+639338103223
ANG CHOSEN UNITED METHODIST CHURCH MAGBUHAT NUONG 1922
Marami ng naglingkod na manggagawa at layko sa Baloc
Taong 1922, ang Iglesya Metodista ng Baloc ay nagsimula sa Pudiot, isang sitio ng Baloc sa pangunguna ni Ginoong Gavino Razon, na lolo ni Gng Maria Razon- Sansano. Ang lote at sambahan ay sila rin ang nagkaloob. Ang mga lay speakers na nanguna sa Iglesyang ito ay sina Nicolas Alejandro, Calixto Bonifacio, Juan Padilla, at Domingo Bonifacio.
Dumating ang panahong pumanaw si G. Gavino Razon at naiwan ang kanyang asawa na si G. Juana Sacro-Razon (Canning) at anak na si Avelino Razon. Dahilan sa ang mga miyembro ay lumipat na dito sa barangay Baloc, kaya’t ang bahay sambahan ay nalipat dito sa Baloc sa lote ni G. Atong Martin noong taong 1935. Hindi nagtagal ay nag-donate si G. Agustin Tinio ng lote sa harapan ng paaralan kaya’t nalipat na naman ang bahay sambahan.. Dumami na ang miyembro gaya ng pamilya De Guzman sa Bagong Silang at Malayantoc, Constantino, Mangulabnan at Reyes, Razon at marami pang iba.
Noong 1952, nagkaroon ng kasunduan ang Mayor ng Sto. Domingo at pamunuan ng Iglesya na ipalit ng lote sa kasalukuyang lote ngayon dahil sa ang unang lote ay nasasakupan na ang paaralan.
Nagpatuloy ang gawain ng Iglesya sa pamamagitan ng revival at ebanghelisasyon. Noong 1963, binago ang kapilya mula sa isang maliit na sawali sa pangunguna ni G. Maria Razon-Sansano. Ito ay pansamantalang naging bahay pastoral na ngayon ay isa ng classroom ng Chosen Christian School.
Noong 1980, naipagawa ang kapilya na siya ngayong kasalukuyang gusali bagaman mas mahaba kaysa noon. Nagpatuloy ang gawain sa pangunguna ng mga Manggagawang lalaki na nadestino sa Iglesyang ito, ang ilan ay sina Pastor Melecio Valdez, Rev. Antonio M. Cleto, Jr., Rev. Mario T. Badua, Ptr. Sofronio Mina, Ptr. Abelardo Pascual, Ptr. Samuel Q. Lubong, Ptr. Enrico Manzano, Rev. Franck P. Bal-ot na siyang naging susi upang ang gusaling ito ay masimulang mabago ang anyo sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong at pagkakaisa ng mga kaanib, Rev. Ronaldo L. Castillo, Ptr. Alexander E. Caliz, Rev. Johnson Mones at sa kasalukuyan ay nasa pangunguna ng ating minamahal na DS Mario T. Badua sa kadahilalanang sa di maiiwasang pangyayari ay nagkaroon ng pagkakataong mag-aral sa iabang bansa si Rev. Mones.
Ang mga Manggagawang babae, na nadestino dito ang ilan ay sina Bb. Edna Dancel-Magdirila, Bb. Julie Ceña, Dr. Corazon T. Cleto, Bb. Susan Remolar, Bb. Alma Mercy Gaspar-Gioketo, Bb. Angela Escal (namayapa na), Gng. Maricel Bucao- Bal-ot, Bb. Yelen Pablo, Bb. Happy Montenegro at si Mr. Alexis Ramirez (internal arrangement) at sa kasalukuyan ay si Bb. Marlyn V. del Rosario na siya ring guro sa ating pre-school. Bagaman nagkakaroon ng mga suliranin hindi pinabayaan ng Panginoon na humina ang Iglesya Metodista dito sa Baloc.
Taong 1998, nang, baguhin ang yari ng bahay sambahan kasabay ang pagbabago sa pangalan mula sa Baloc United Methodist Church sa Chosen United Methodist Church. Mula sa puso ng mga kaanib tulad ng pamilya Lomboy, Uy, Tecson, Razon, Rodriguez, de Guzman, Sablay, Fernando, Sadaran, Casildo, Arocena, Lapitan, Tolledo, Ravinera, Llaneta, Baclayo, Tamayo, Baldado, Guillermo, Pascual, Constantino, Garcia, Ramos, Ferrer, Punay, at marami pang iba ay nabuo, at naisaayos ang bagong anyo ng bahay sambahan.
Taong 2002, nang mapagkasunduan ng Church Council na magtatag ng isang pre-school para makatulong sa mga bata sa komunidad at mga karatig. Ito ay pinangalanang Chosen Christian School na pinangungunahan nina Rev. Johnson C. Mones, Administrative Pastor; Bb. Marlyn del Rosario, Deaconess/Teacher; Gng. Melania B. Rodriguez, Chairman, Kinder Board; Gng. Liraflor R. Arocena, Vice-Chairman; Gng. Lily R. Lapitan, Treasurer; Gng. Lorie Poblacion, Secretary; Gng. Ruby Nell B. Llaneta, Auditor; G. Ely M. Arocena, Board of Trustees; at G. Arturo B. Razon, Sr. Chairman, Building Committee. (Basahin ang kalakip na history ng Chosen Christian SchooL)
Ang Conference Year 2007-2008 ay tunay na nagging napakabunga sa loob at labas ng Iglesya. Sa pangunguna ni Rev.Jeremias G. Garcia,Jr. katuwang si Dss. Jenifer Avila-Punoa at Sierra AmoraPajarillo, ay maraming mgagawain ang nasimulan, naisakatuparan at naging matagumpay. Naging higit na aktibo ang mgakabataan, kababaihan at mga kalalakihan.
Nakapagdaos ng breakfast fellowship at morning watch tuwing Sabado. Ang mga kabataan ay nakapagtala ng biggest delegation sa Christmas Institute 2007 na ginanap sa Carmen UMC, Carmen, Zaragosa at Summer Institute 2008 sa Gethsemane UMC, Gen. Tinio, Nueva Ecija. Nagkaroon ng Evangelistic Night sa Sitio Saranay, Baloc Centro at Sitio Pudiot. Sa pangunguna ng mga kalalakihan ay nakipag-joint fellowship sa mga kalalakihan ng Sicsican Matanda at Sto. Domingo. (Breakfast fellowship at bicycle association) Sa pamamagitan nito ay nakatulong sila na magkaroon ng Revival sa San Manuel, Sicsican Matanda at Collado.
Nagkaroon ng house to house Bible Study, Midweek Services at marami pang ibang Gawain. Ang mga kababaihan at kalalakihan at palagiang dumadalo sa mga Gawain ng Cluster at Distrito. Sa panahon din na ito, lubusang naisaayos ang Certificate of Title ng lote ng Iglesya. Ikinararangal din ng Chosen UMC at ibinabalik ang kapurihan sa Dios na lumikha ng lahat ng bagay, na ang Iglesya ay nakapaghubog ng mga nagging Pastor sa katauhan nina Pastor Arnel C. Martin, Pastor James Sungkuan, Pastor Dennis C. Sablay, Pastor Arturo L. Razon, Jr., at Pastor Cesar De Guzman.
Bilang bunga ng Outreach Ministry at Witness Ministry, nakapagtatag ang Iglesya ng worshipping congregation sa pangunguna ni Pastor Orlando Briones. Ito ay ang Glorious Faith UMC sa Purok 5, Barangay ng Baloc.
FORMER PASTORS, DEACONESSES AND VOLUNTEER WORKERS
1968-1969
Ptr. Melecio Valdez
Ms. Edna Dancel
1969-1970
Ptr. Melecio Valdez
Ms. Edna Dancel
1970-1971
Ptr. Melecio Valdez
Ms. Edna Dancel
1971-1972
Rev. Antonio M. Cleto,Jr.
Ms. Gloria B. de Guzman
1972-1973
Rev. Antonio M. Cleto, Jr.
Ms. Gloria B. de Guzman
1973-1974
Rev. Antonio M. Cleto, Jr.
Ms. Gloria B. de Guzman
1974-1975
Rev. Antonio M. Cleto, Jr.
Ms. Gloria B. de Guzman
1975-1976
Rev. Antonio M. Cleto, Jr.
Ms. Gloria B. de Guzman
1976-1977
No Pastor
Ms. Gloria B.de Guzman
1977-1978
Ptr. Danilo dela Cruz
Ms. Gloria B. de Guzman
1979-1980
Ptr. Danilo dela Cruz
Ms. Gloria B. de Guzman
1980-1981
Rev. Abelardo Pascual
Ms. Gloria B. de Guzman
1981-1982
Rev. Abelardo Pascual
Ms. Gloria B. de Guzman
1982-1983
Ptr. Mario T. Badua
Ms. Gloria B. de Guzman
1983-1984
Ptr. Sofronio Mina
Ms. Angela Escal
1984-1985
Ptr. Sacdalan
Ms. Ofelia Melchor
1985-1986
Ptr.Johnson C. Mones
Ms. Shirley Pilayan
1986-1987
Ptr. Enrico Manzano
Ms. Redy Fajardo
1987-1988
Ptr. Enrico Manzano
Ms. Julie Ceña
1988-1989
Ptr. Enrico Manzano
Ms. Julie Ceña
1989-1990
Ptr. Enrico Manzano
Ms. Susan Remolar
1990-1991
Rev. Benedicto Azurin
Ms. Susan Remolar
1991-1992
Ptr. Abraham Natividad
Ms. Susan Remolar
1992-1993
Ptr. Abraham Natividad
Ms. Susan Remolar
1993-1994
Rev. Samuel Q. Lubong
Ms. Julie Ceña
1994-1995
Rev. Samuel Q. Lubong
Ms. Happy Montenegro
1995-1996
Rev. Samuel Q. Lubong
Ms. Happy Montenegro
1996-1997
Rev. Franck P. Bal-ot
Ms. Happy Montenegro
1997-1998
Rev. Franck P. Bal-ot
Ms. Alma Mercy Gaspar
1998-1999
Rev. Franck P. Bal-ot
Ms. Maricel Bucao
1999-2000
Rev. Franck P. Bal-ot
Ms. Maricel Bucao
2000-2001
Ptr. Ronaldo Castillo
Ms. Yelen Pablo
2001-2002
Ptr. Alexander E. Caliz
June 2002-January 2003
Rev. Johnson C. Mones
Dss. Marlyn de Rosario
February 2003-May 2003
Rev. Mario T. Badua
Dss. Marlyn de Rosario
2003-2004
Rev. Orlando Briones
Dss. Marlyn del Rosario
2004-2005
Rev. Orlando Briones
Dss. Marlyn del Rosario
2005-2006
Rev. Orlando Briones
Dss. Michelle Labasan
2006-2007
Rev. Orlando Briones
Dss. Jennifer A. Puno
2007-2008
Rev. Jeremias G. Garcia, Jr.
Dss. Jennifer A. Puno
2008-2009
Ptr. Alexander Caliz
Dss. Rizza Cayme
2009-2010
Ptr. Antonio M. Tiglao
Dss Rizza Cayme
VW Sierra Amor A. Pajarillo
2010-2011
Rev. Maryben Pajarillo
Ms. Sierra Amor A. Pajarillo
2011-2012
Rev. Maryben Pajarillo
Ms. Sierra Amor A. Pajarillo
2012-2013
Rev. Cecilio M. Matias
Ms. Ester P. Matias
2013-2014
Rev. Cecilio M. Matias
Ms. Ester P. Matias
2014-2015
Rev. Cecilio M. Matias
Ms. Ester P. Matias
2015-2016
Rev. Cecilio M. Matias
Ms. Ester P. Matias
2016-2017
Rev. Cecilio M. Matias
Ms. Ester P. Matias
2017-2019
Rev. Dr. Sergio E. Arevalo, Jr.
Helen Mipalar
2019-2020
Rev. Dr. Sergio E. Arevalo, Jr.
2020-2021
Rev. Dr. Sergio E. Arevalo, Jr.
Vanessa G. Cabanela