top of page
Praying Together

Mga Protocol para sa Pagsambahay sa Baloc, Sto Domingo, Nueva Ecija.

June 9, 2019

PANUNTUNAN SA PAGSASAGAWA NG PAGSAMBAHAY

 

Simula po noong Hunyo 1, 2020, ang atin pong lalawigan ay nasailalim na ng GCQ o General Community Quarantine mula sa ECQ at MECQ.


Alam po natin na tayong lahat ay sabik nang ipahayag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng ating Pananambahan sa ating kapilya.

Ngunit dahil tayo po ay nasa GCQ pa lang, ang mga miyembro po natin na may edad na 21 pababa at 60 pataas ay hindi pa rin po pinapayagang lumabas.

Dahil po dito, tayo po ay magpapatuloy sa ating Pagsambahay kung saan ang atin pong pastor ang siyang pupunta sa ating mga tahanan. 


Ngunit sa kadahilanan po na tayo ay nakaharap pa rin sa pandemic na COVID 19 ay may mga panuntunan po tayo na dapat sundin sa pagsasagawa ng pagsambahay.

  1. Pagsusuot ng face mask.

  2. Pagkakaroon ng 2-metrong distansya sa ating katabi o physical distancing.

  3. Paglilinis o pagdidisinfect ng mga gagamitin sa komunyon at iba pang simbolo (Bibliya, Krus, lalagyan ng kandila at mga bulaklak).

  4. Pagkakaroon ng alcohol o sanitizer (maglagay sa malapit sa mga pinto o sa lugar na pagdadausan ng pagsambahay).

  5. Paliligo bago dumalo sa ating pagsambahay (full bath).

  6. Pagpapanatili ng kalinisan sa bahay na pagdarausan ng pagsambahay.

  7. Ang mga may sakit ay hindi kinakailangan na dumalo sa pagsambahay ngunit maaaring iwanang bukas ang pinto ng kanyang kwarto upang marinig pa rin ang mensahe (pagsusuot ng mask ng mga maysakit).

  8. Sa atin pong pagdaraos ng komunyon, hindi po tayo ang kukuha ng elemento, ito po ay ibibigay na lang ng ating pastor.

  9. Iwasan po natin ang pagkakamayan, pagmamano, at pagbebeso-beso, maaari po tayong kumaway o paglalagay ng ating kamay sa ating dibdib bilang pagbati.

Protocol: News
bottom of page