top of page
Search
Writer's pictureSergz Arevalo

13th SUNDAY AFTER PENTECOST, 30 AUGUST 2020

Updated: Aug 30, 2020


THE ORDER OF WORSHIP (# - Pls stand up if you’re able)

GUMAWA PO KAYO NG SARILING ALTAR na may krus, Biblia, bulaklak, at kandila. Color of the Day- GREEN PRELUDE:              PAGSINDI NG MGA KANDILA at PAGBUKAS NG BIBLIA



# GREETING:    Awit 105:1-3 LEADER: Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon. 




HYMN: MINE EYES HAVE SEEN THE GLORY


(1) Tinig ng pag-aawitan ay siyang naririnig,

Kawal ng katotohanan ang siyang mananaig;

Sa larangan ng digma ang watawat ay pag-ibig,

Hayo’t makisanib.

Koro:

Lakad, lakad h’wag umurong, si Jesus ang s’yang katulong;

Lakad, lakad h’wag lumingon, tagumpay mayroon. AMEN.

(2) Hukbo ng kakristianuhan ang siyang mangunguna,

Sa lahat ng gawaing kabanalang pinupunta,

Ang mga adhika ay sumunod sa aral Niya,

Hayo’t makisama.


# (3) Pagtulungang itatag ang kaharian ni Jesus,

Mga kawal ng sama’y piliting lansaging lubos;

At nang upang lumaya bayan nating binusabos,

Hayo’t makihamok. # RESPONSIVE READING:      "Marks of the True Christian" Roma 12:9-21 T- Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw. Kapootan ninyo ang masama; makisanib kayo sa mabuti. 


P-  Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba; 


T - Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon; Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin; 


P-  Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy. 


T- Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain. Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak. 


P-  Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. 


T- Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao. Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao. 


P- Huwag kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon. 


T-  Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo. 


P- Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama. 

INVOCATION:                            LEADER # GOSPEL LESSON              Matthew 16: 21-28       End with …. “This is the Word of the Lord.” # RESPONSE: Thy Word is a lamp unto my feet Thy Word is a lamp unto my feet and a light unto my path (2x) CHILDREN’S MOMENT: Teacher Vanessa G. Cabanela





MESSAGE THRU SONG:   "PUSONG DALISAY" Cover by Roshelle Baldado



MESSAGE:     Rev. Sergio E. Arevalo, Jr. PhD



OFFERING:   2 Corinthians 9:6-7 (1) Tithes & Pledges (2) TRUST FUND (separate envelope) Sa inyong pagkakaloob ay nangangahulugan na kasama namin kayo sa pagsamba ngayong araw na ito, at kasama namin kayo sa pagtataguyod ng misyon ng Panginoon.




# DEDICATION:     Panalangin NOTE: Ilagay po sa isang sobre ang inyong mga kaloob, at dalhin sa treasurer o sa church. Para sa gustong magpadala via GCASH (09338103223). For those who want to use credit/debit cards or Paypal, you may use the Paypal Button above, don't worry it is safe and secure, and powered by Paypal. Salamat po.


CLOSING HYMN:  THOU MY EVERLASTING PORTION


(1) Jesus kong ligayang tunay at sa akin ay buhay,

Sa landas ng kahirapan ako’y Iyong samahan;

Sa piling Mong hirang, sa piling Mong hirang,

Sa landas ng kahirapan ako’y Iyong samahan.

(2) Hindi ang lugod at yaman ang hanap ko at dangal,

Kaya’t sa katotohanan ako’y Iyong samahan.

Sa piling Mong hirang, sa piling Mong hirang,

Kaya’t sa katotohanan ako’y Iyong samahan.

# (3) Sa dilim ng kaparangan, bangis ng karagatan,

At hirap ng paglalakbay, ako’y Iyong samahan.

Sa piling Mong hirang, sa piling Mong hirang,

Sa hirap ng paglalakbay ako’y Iyong samahan. # PASTORAL PRAYER: Pastor Sergz Arevalo  



# DOXOLOGY:

Praise God, from whom all blessings flow; Praise Him, all creatures here below; Praise Him above, ye heavenly host: Praise Father, Son, and Holy Ghost. Amen. # BENEDICTION:  Pastor Sergz Arevalo


Three-fold Amen.


59 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Post: Blog2_Post
bottom of page