top of page
Search
Writer's pictureSergz Arevalo

24th SUNDAY AFTER PENTECOST, 15 Nov 2020, 7:00 am

Updated: Nov 16, 2020

1st In-Person Worship After Lockdown in Baloc


THE ORDER OF WORSHIP (#Pls stand up if you’re able)

GUMAWA PO KAYO NG SARILING ALTAR na may krus, Biblia, bulaklak, at kandila. Color of the Day- GREEN


We are now live and videos will be posted here later



PRELUDE:              PAGSINDI NG MGA KANDILA at PAGBUKAS NG BIBLIA


# GREETING:    Awit 123: 1-3 LEADER: Sa iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit. Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin. Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin: sapagka't kami ay lubhang lipos ng kadustaan. 


HYMN: ONWARD CHRISTIAN SOLDIER


(1) Halina’t lumaban Kristianong kawal;

Tayo’y tutulungan ni Cristong Mahal;

Di mapipipila’t ating kakamtan;

Kuta ng kaaway, hayo’t lumaban.

Koro:

Kristiano’y humayo, at lipulin mo

Kaaway ni Cristo dito sa mundo. AMEN.

(2) Halina’t isabog kutang marupok;

Nang mga balakyot, kaaway ng Dios;

Itakwil ang pagod, ang kaba’t lungkot;

Tapat na sumunod, kay Cristo Jesus.

# (3) Halina’t sugpuin, ang dayang lihim;

Gawang sinungaling, ng taong linsil;

Pagwawagi’y atin, Cristo’y kapiling;

Ang ating masupil, kay Cristo dalhin.


# RESPONSIVE READING:  I Tesalonica 5: 1-11

L: Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman. 


P:   Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nanga-kakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. 


L:   Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan. 


P: Nguni't kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw: 


L:   Sapagka't kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man; 


P:   Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangag-puyat at mangagpigil. 


L:   Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi. 


P: Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangag-pigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pag-ibig; at ang maging turbante ay ang pag-asa ng kaligtasan. 


L: Sapagka't tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, 


P: Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya. Dahil dito kayo'y mangag-pangaralan, at mangag-patibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa. 


# INVOCATION:                             LEADER


# TUGON: Sweet hour of prayer! sweet hour of prayer!

that calls me from a world of care,

and bids me at my Father's throne

make all my wants and wishes known.

In seasons of distress and grief,

my soul has often found relief,

and oft escaped the tempter's snare

by thy return, sweet hour of prayer!


MGA PAHAYAG, PAGBATI AT MALASAKIT: CLICK HERE!

# GOSPEL READING: The Parable of the Talents Mateo 25: 14-30   # TUGON: Dios sa ‘mi’y hatiin ang salita. Gaya ng hatiin sa pampangin.

Salita Mo’y aming minamahal. Nais ngang tamuhin yaring buhay. Amen CHILDREN’S MOMENT: Teacher Vanessa Cabanela



PAPURING AWIT: Sis Raquel Mariano


MESSAGE:  Rev. Sergio E. Arevalo, Jr., PhD


OFFERING:   THE PRINCIPLES OF PLENTY (PROV. 3:9–10)

"Honor the Lord with your wealth and with the firstfruits of all your produce; then your barns will be filled with plenty, and your vats will be bursting with wine."

(1) Tithes & Pledges (2) Donations for Victims of typhoons


Dedication of Offering


Sa inyong pagkakaloob ay nangangahulugan na kasama namin kayo sa pagsamba ngayong araw na ito, at kasama namin kayo sa pagtataguyod ng misyon ng Panginoon. Those who are outside the Philippines, you may want to use REMITLY and get USD15 in your first remittance. CLICK HERE! or DONATE using the Paypal button here:

Almighty God, deserving of all honor and praise: we bring our gifts this morning, remembering that the offering you truly seek is the offering of our whole lives. Help us, we pray, to live a life that is worthy in your sight. When we struggle and stumble, help us up and put us on the path. On the advice of the apostle Paul, may our lives be focused on “whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is pleasing, whatever is commendable”, so that our offering may be pleasing in your eyes. In Christ, we pray. Amen

NOTE: Ilagay po sa isang sobre ang inyong mga kaloob, at dalhin sa treasurer o sa church. Para sa gustong magpadala via GCASH to Sheila Guillermo- 09321157614). For those who want to use credit/debit cards or Paypal, you may use the Paypal Button above, don't worry it is safe and secure, and powered by Paypal. Salamat po.


ANG KAYUSAN NG BANAL NA KOMUNYON ( For In-Person Worship only, not for Pagsambahay)

STAND UP, STAND UP FOR JESUS


(1) Kawal ng krus ni Cristo, magtindig humayo,

Bandila’y ilantad mo, h’wag kang patatalo;

Sa pakikipaglaban ay pangungunahan,

Hanggang sa magtagumpay, sa mga kaaway.

(2) Kay Cristo ka sumanib, dinggin mo ang tinig;

Sa hirap at panganib, ‘di ka malulupig.

Humayo ka’t maglingkod, kay Cristo’y sumunod;

Lakas Nya’t pag-irog nagbibigay lugod.

(3) Kay Cristo ka sumanib lakas N’ya ang gamit.

Wala kang masasapit sa hina mong labis.

Dalhin ang kasulatan, Dios ay dalanginan,

Maglingkod nang lubusan hanggang kawakasan. AMEN.

# PASTORAL PRAYER: Pastor Sergz Arevalo  


# DOXOLOGY: ​Praise God, from whom all blessings flow; Praise Him, all creatures here below; Praise Him above, ye heavenly host: Praise Father, Son, and Holy Ghost. (2x) AMEN. # BENEDICTION:  Pastor Sergz Arevalo

# RESPONSE: 3 Amen


POSTLUDE:



30 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


Post: Blog2_Post
bottom of page