ALL SAINTS SUNDAY
THE ORDER OF WORSHIP (# - Pls stand up if you’re able)
GUMAWA PO KAYO NG SARILING ALTAR na may krus, Biblia, bulaklak, at kandila. Color of the Day- WHITE or RED
PRELUDE: PAGSINDI NG MGA KANDILA at PAGBUKAS NG BIBLIA
# GREETING: Awit 34: 1-3 LEADER: Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig. Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon: maririnig ng maamo at masasayahan. Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, at tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.
HYMN: JOYFUL, JOYFUL, WE ADORE THEE
(1) Masayang sinasamba, Dios ng l’walhati’t pag-ibig,
Araw Kang may init na buhay ng pusong malamig.
Sala’t lungkot ay tunawin, alinlanga’y pawiin,
Ilaw ng twang di magmaliw liwanag kami’y punin.
(2) T’wa ng sangnilikha Mo, sa lupa’t langit ay saksi,
Mga bitwin, mga angel, awit sa ‘yo’y papuri.
Bukid, gubat, bundok, parang, halamana’t karagatan;
Huni ng ibon at batis, kami sa yo’y magdiwang.
(3) Ikaw ang nagpapatawad, pala’y lagi Mong gawad,
Balong ng buhay mapalad, ligaya’y isang dagat.
Dios Ama, Cristong may aral, kami’y mangag-ibigan,
Nang amin nang maranasan kagalakan Mong banal.
# (4) Tanang tao’y magsianib sa hukbong umaawit,
Sundin ang Amang pag-ibig, nating magkakapatid.
Sulong laging mag-awitan, magwagi sa labanan,
Awitin ang kagalakan, sa tagumpay ng buhay. AMEN.
.
# RESPONSIVE READING: Pahayag 7: 9-17
L: Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;
P: At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangag-sasabi, Ang pagliligtas ay suma-aming Dios na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero.
L: At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangag-patirapa sa harapan ng luklukan, at nangag-sisamba sa Dios,
P: Na nangag-sasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang suma-aming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.
L: At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsi-panggaling?
P: At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangag-hugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.
L: Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangag-lilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.
P: Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init: Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.
# INVOCATION: LEADER
# TUGON: Ang Ama’y papurihan at ang Anak at ang Diwang Banal.
Paghahari’y walang hanggan. nang una at ngayon man.
Walang hanggan. Amen. Amen.
# LESSON FOR TODAY: I Juan 3:1-3 # TUGON: Dios sa ‘mi’y hatiin ang salita. Gaya ng hatiin sa pampangin.
Salita Mo’y aming minamahal. Nais ngang tamuhin yaring buhay. Amen CHILDREN’S MOMENT: "GOD ROCKS!"
KWENTO NI TEACHER VANESSA: ANG MAPAPALAD
MESSAGE THRU SONG: "AMAZING GRACE"
MESSAGE: "IT'S UNBELIEVABLE GRACE!" Rev. Sergio E. Arevalo, Jr., PhD
OFFERING: THE PRINCIPLES OF PLENTY (PROV. 3:9–10)
"Honor the Lord with your wealth and with the firstfruits of all your produce; then your barns will be filled with plenty, and your vats will be bursting with wine."
(1) Tithes & Pledges
(2) Trust Fund Offering (separate envelope)
Sa inyong pagkakaloob ay nangangahulugan na kasama namin kayo sa pagsamba ngayong araw na ito, at kasama namin kayo sa pagtataguyod ng misyon ng Panginoon.
# DEDICATION: Pagtatalaga ng mga handog
Almighty God, deserving of all honor and praise: we bring our gifts this morning, remembering that the offering you truly seek is the offering of our whole lives. Help us, we pray, to live a life that is worthy in your sight. When we struggle and stumble, help us up and put us on the path. On the advice of the apostle Paul, may our lives be focused on “whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is pleasing, whatever is commendable”, so that our offering may be pleasing in your eyes. In Christ, we pray. Amen
NOTE: Ilagay po sa isang sobre ang inyong mga kaloob, at dalhin sa treasurer o sa church. Para sa gustong magpadala via GCASH to Sheila Guillermo- 09321157614). For those who want to use credit/debit cards or Paypal, you may use the Paypal Button above, don't worry it is safe and secure, and powered by Paypal. Salamat po.
CLOSING HYMN: WHERE HE LEADS ME I WILL FOLLOW
(1) Si Jesus ay tumatawag, ito ang isinasaad:
“Krus mo’y pasani’t lumakad sa aki’y sumunod ka agad.”
Koro:
Kung saan ako akayin ay doon ako lalakad,
Hanggang sa aking sapitin
Ang hangganan ng kanyang landas. Amen.
(2) Sa masayang halamanan ako’y isasamang tunay;
At sa aki’y isasaysay timyas ng Kanyang pagmamahal.
(3) Sa hukuman ay sasama, doon ay walang pangamba;
Pagka’t ang aking parusa ay lubusang kinuha Niya.
(4) Bibigyan ako ng pala at biyaya N’yang sagana;
Kaluwalhatian ay handa, kung sapitin ang bayang takda.
# PASTORAL PRAYER: Pastor Sergz Arevalo
# DOXOLOGY:
Praise God, from whom all blessings flow;
Praise Him, all creatures here below;
Praise Him above, ye heavenly host:
Praise Father, Son, and Holy Ghost. (2x) AMEN.
# BENEDICTION: Pastor Sergz Arevalo
# RESPONSE: "THE LORD BLESS YOU AND KEEP YOU"
POSTLUDE:
MGA PAHAYAG, PAGBATI AT MALASAKIT: CLICK HERE!
FR. MARTIN LUTHER, the father of Reformation
#onlineworship #chosenumc #sergzarevalo #matthew5 #jesuschrist #Ijohn3 #john #sonofgod #son #love #secondcoming #jesuschrist #ama
Comentarios