top of page
Search
Writer's pictureSergz Arevalo

ANG KAYUSAN NG BANAL NA KOMUNYON (TAGALOG)

Updated: Sep 10, 2020



ANG KAAYUSAN NG SAKRAMENTO (#Tumayo po kung kaya sa tandang ito)

Panimula


PASTOR: Makakaranas tayo ng isang Banal na Kumunyon sa isang bagong paraan ngayon. Bagaman malayo sa pisikal ang isa't isa, magkakasama pa rin tayo bilang isang pamilya sa pamamagitan ng ating bautismo.


This presence is marked by our shared praises and prayers, our shared hearing and affirming of God’s word, and now our shared eating.


Ang Dakilang Pagpapasalamat


PASTOR: Ang kapayapaan at presensya ng Panginoon ay sumainyong lahat.


BAYAN: Ang kapayapaan at presensya ng Panginoon ay sumaiyo rin.


PASTOR: Ipagkaloob natin ang ating mga puso.


BAYAN: Ipinagkakaloob namin ngayon sa Diyos.


PASTOR: Magpasalamat tayo sa Panginoon, na ating Diyos, sapagkat ito ang tamang gawin, hindi lamang ngayon, kundi sa bawat araw.


BAYAN: Araw-araw.


PASTOR: Nagpapasalamat kami sa iyo, Manlilikhang Diyos, nilikha mo kami sa iyong wangis, at hiningahan mo kami ng hininga ng buhay.


Nang tumalikod kami, ang aming pag-ibig ay nabigo, at ang aming mga katawan ay nagkasakit, paulit-ulit mong inaabot kami, na nagbibigay ng kagalingan, kabuuan, at bagong buhay.


Nang dumating ang baha, nagbigay Ka ng isang arko.

Nang dumating ang mga salot, nagbigay ka ng kaligtasan.

Nang dumating ang kadiliman, nagbigay Ka ng isang haliging apoy.

Nang kami'y nangibang bayan, Nagbigay ka ng isang bagong awit.

Araw-araw, ang pag-ibig mo ay nanatiling matatag.


BAYAN: Tunay po, sa araw-araw.


PASTOR: At sa gayon sa iyong bayan, at sa buong kapisanan ng kalangitan, pinupuri namin ang iyong pangalan at aming inaawit ang walang hanggang himno:



(NOTE: Kung walang musika, basahin ang mga sumusunod: BAYAN: Banal, Banal, Banal na Panginoon! Diyos na makapangyarihan sa lahat! Banal, Banal, Banal na Panginoon! Diyos na makapangyarihan sa lahat! Langit at lupa ay puno ng iyong kaluwalhatian. Hosanna sa kataastaasan!)


PASTOR: Mapalad ang dumarating sa pangalan ng ating Diyos. Mapalad ang iyong Anak na pumarito upang ipangaral ang mabuting balita sa mga mahihirap, nagpapalaya sa mga nakagapos, at nagmumulat sa mga bulag, nagpapalaya ng mga inaapi, at naghahayag na dumarating na ang oras ng pagliligtas sa iyong bayan. Pinagaling din niya ang mga maysakit.


BAYAN: Pinagagaling Niya ang mga maysakit!


PASTOR: Nang gabing inialay niya ang kanyang sarili para sa atin, kumuha siya ng tinapay, nagpasalamat sa Diyos, pinagputol-putol ang tinapay, ibinigay sa kanyang mga alagad, at nagsabi:


Paghati ng tinapay


"Kumuha kayo nito at kumain; ito ang aking katawan na ibinibigay para sa iyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin. "



Pagkuha ng Kopa (cup)


Nang natapos na ang hapunan, kinuha niya ang kopa, nagpasalamat sa Diyos, ibinigay sa kanyang mga alagad, at nagsabi:


“Uminom kayo rito, kayong lahat; ito ang aking dugo ng Bagong Tipan, na ibinuhos para sa inyo at para sa marami para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Gawin ninyo itong madalas bilang pag-aala-ala sa akin.




Ang Pagpuputol-putol ng Tinapay


PASTOR: Ang tinapay na ito ay nagpapa-alala sa atin na ang anumang buhay, gaano man ang pagkawasak, o pagkadurog, o pagkabaluktot ito ay maaaring pagalingin ng Diyos.


Ipinapaalala rin sa atin ng kopa, na ang anumang buhay, gaano man kawalang laman, o kalungkot, o kalayo ito, ay maaaring punan muli.


Ito ang mga kaloob ng Diyos, para sa pamilya ng Diyos. Inaanyayahan ko kayong lahat na makibahagi sa Banal na Komunyon na ito.


(Pumila po tayo sa linya, ang pastor at mga tagapangasiwa ay ipamamahagi ang mga elemento)


951 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page