top of page
Search
Writer's pictureSergz Arevalo

17th SUNDAY AFTER PENTECOST, 27 September 2020

Updated: Sep 27, 2020



THE ORDER OF WORSHIP (# - Tumayo po kung me kakayahan)

GUMAWA PO KAYO NG SARILING ALTAR na may krus, Biblia, bulaklak, at kandila. Color of the Day- GREEN



PANIMULA:              PAGSINDI NG MGA KANDILA at PAGBUKAS NG BIBLIA


# PAGBATI:     Awit 78: 1-4 TAGAPANGUNA:  Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga tainga sa mga salita ng aking bibig. Aking bubuksan ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:  Na aming narinig at nabatid, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang. Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpupuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagila-gilalas na mga gawa.




UNANG IMNO: " IT PAYS TO SERVE JESUS"


(1) Maglingkod kay Jesus ay kaaliwan. `pagka’t sa Kan’ya’y may kagalakan;

Ito’y isang ganap na katungkulan, nang tao sa bawa’t araw.

Koro:

Maglingkod kay Jesus, tayo’y maglingkod,

Bawa’t araw ay maglingkod;

Tayo’y maglingkod, kay Jesus ay maglingkod

Na masaya at walang pagod. AMEN.

(2) Tayo’y maglingkod anomang sapitin, at magtapat kahi’t anong gawin;

`Pagka’t Siya’y mayama’t mahabagin, bawa’t aral ating sundin.

(3) Bagama’t mahirap ang daraanang patungo doon sa kalangitan;

Si Jesus ang sa ati’y papatnubay, kung maglingkod bawa’t araw.

# SAGUTANG PAGBASA:  Filipos 2:1-13 T: Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pag-ibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anomang mahinahong awa at habag, 


L:  Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangag-kaisa ng pag-iisip, mangag-taglay ng isa ring pag-ibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pag-iisip; 


T: Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampi-kampi o sa pamamagitan ng pagyayabang, kundi sa kababaan ng pag-iisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili; Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba. 


L: Mangag-karoon kayo sa inyo ng pag-iisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: 


T: Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panghawakan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at nag-anyong alipin, na nakitulad sa mga tao: 


L:   At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. 


T: Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, 


L:   At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. 


T: Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig; 


L: Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban. 


# IMBOKASYON:                          TAGAPANGUNA

# TUGON: Ang Ama’y papurihan at ang Anak at ang Diwang Banal.

Paghahari’y walang hanggan. nang una at ngayon man.

Walang hanggan. Amen Amen.

# PAGBASA NG EBANGHELYO:              Mateo 21:28-32   # TUGON: Dios sa ‘mi’y hatiin ang salita. Gaya ng hatiin sa pampangin.

Salita Mo’y aming minamahal. Nais ngang tamuhin yaring buhay. Amen ORAS PARA SA MGA BATA: "The Parable of the Two Sons"


KWENTO NI TEACHER VANESSA CABANELA



HANDOG NA AWITIN "ANG TANGING ALAY KO" cover ni Normalyn Bello



MENSAHE: "Nag-utos ang Ama, Paano Tumugon ang Dalawang Anak?" -Rev. Sergio E. Arevalo, Jr., PhD



PAGKAKALOOB:   2 Corinto 9:6-7

(1) Ikapu at Pangako (2) TRUST FUND (ihiwalay ng envelope) Sa inyong pagkakaloob ay nangangahulugan na kasama namin kayo sa pagsamba ngayong araw na ito, at kasama namin kayo sa pagtataguyod ng misyon ng Panginoon.


# PAGTATALAGA:     Pagtatalaga ng mga handog NOTE: Ilagay po sa isang sobre ang inyong mga kaloob, at dalhin sa treasurer o sa church. Para sa gustong magpadala via GCASH (Sergio Arevalo-09338103223 or to Sheila Guillermo- 09321157614). For those who want to use credit/debit cards or Paypal, you may use the Paypal Button above, don't worry it is safe and secure, and powered by Paypal. Salamat po.




HULING IMNO:  "HAVE THINE OWN WAY LORD"

(1) Kalooban Mo ang s’yang sundin putik ako na huhugisin,

Ayon sa ibig Mo ay gawin, handa akong Iyong baguhin.

(2) Kalooban Mo nawa’y gawin ako ngayon ay ‘yong subukin.

Ako’y hugasa’t paputiin, nakatungong Ikaw’y hihintin.

(3) Kalooban Mo’y s’ya kong sundin ako’y tulungan ang dalangin,

Kapangyarihan ay Iyo rin hipuin Mo at pagalingin.

# (4) Sundin Mo ang ‘Yong kalooban, ako’y sakupin ng lubusan.

Hanggang si Cristo ay mamasdang tanging sa aki’y tumatahan. AMEN.

PANALANGIN NG PASTOR: Pastor Sergz Arevalo  



# DOKSOLOHIYA:

Praise God, from whom all blessings flow; Praise Him, all creatures here below; Praise Him above, ye heavenly host: Praise Father, Son, and Holy Ghost. (2x) AMEN. # BENEDIKSYON:   Pastor Sergz Arevalo

# Three-fold Amen.


MGA PAHAYAG, PAGBATI AT MALASAKIT: CLICK HERE!





94 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page