top of page
Search
Writer's pictureSergz Arevalo

20th SUNDAY AFTER PENTECOST, 18 October 2020


THE ORDER OF WORSHIP (#Pls stand up if you’re able)

GUMAWA PO KAYO NG SARILING ALTAR na may krus, Biblia, bulaklak, at kandila. Color of the Day- GREEN



PRELUDE:              PAGSINDI NG MGA KANDILA at PAGBUKAS NG BIBLIA


# GREETING:    Awit 99: 9 LEADER:  Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsi-samba kayo sa kaniyang banal na bundok; sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal. 


PEOPLE: AMEN!!!


RESPONSIVE READING: Exodo 33: 12-19


L: At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakiki-lala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay naka-sumpong ng biyaya sa aking paningin. 


P:   Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay iyong bayan. 


L: At kaniyang sinabi, Ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan.  At sinabi niya sa kaniya, Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito. 


P:   Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa? 


L:   At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakiki-lala sa pangalan. 


P: At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idina-dalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, Aking papangyarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo;


# INVOCATION:                             LEADER



HYMN: "LEAD ON, O KING ETERNAL"


(1) Kami ay pangunahan, Haring walang hanggan;

Sa sasakuping bayan tolda Mo’y tahanan,

Sa paghanda sa laban, Ikaw ang kalakasan,

At ang aming awita’y sa Iyo’y ilalaan.

(2) Kami ay pangunahan, hanggang mawakasan,

Bangis ng kasalanan, na kinakalaban,

Ang gawang kabanalan, pagsinta’t kaawaan

At Iyong kaharian sasa aming tunay.

(3) Kami ay pangunahan, Haring walang hanggan,

Gawin ‘yong kalooban na may kagalakan;

Krus Mo’y nasa unahan siya naming tanglaw,

Hanggang putong ay kamtan, O Haring marangal. AMEN


.

# RESPONSIVE READING:  I Tesalonica 1: 2-10

L: Nangagpa pasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat, na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin;

P: Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama, ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpa-pagal sa pag-ibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo; Yamang aming nalalaman, mga kapatid na minamahal ng Dios, ang pagka-hirang sa inyo,

L: Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiwasayan; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo.

P: At kayo'y nagsitulad sa amin, at sa Panginoon, nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian, na may katuwaan sa Espiritu Santo; Ano pa't kayo'y naging uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa Macedonia at nangasa Acaya.

L: Sapagka't mula sa inyo'y nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios; ano pa't kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman.

P: Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nanga-kapasok kami sa inyo; at kung paanong nangag-balik kayo sa Dios mula sa mga dios-diosan, upang mangag-lingkod sa Dios na buhay at tunay,

L: At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay,

P: Si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating.


# TUGON: Ang Ama’y papurihan at ang Anak at ang Diwang Banal.

Paghahari’y walang hanggan. nang una at ngayon man.

Walang hanggan. Amen Amen.

# GOSPEL LESSON      Matthew 22: 15-22   # TUGON: Dios sa ‘mi’y hatiin ang salita. Gaya ng hatiin sa pampangin.

Salita Mo’y aming minamahal. Nais ngang tamuhin yaring buhay. Amen CHILDREN’S MOMENT: "Whose is it? "



KWENTO NI TEACHER VANESSA




MESSAGE THRU SONG:   "LIFT UP YOUR HANDS TO GOD " Cover by Raquel Mariano



MESSAGE:  "Give Back to Caesar the Things that are Caesar's" -- Rev. Sergio E. Arevalo, Jr., PhD



OFFERING:   THE PRINCIPLES OF PLENTY (PROV. 3:9–10)

"Honor the Lord with your wealth and with the firstfruits of all your produce; then your barns will be filled with plenty, and your vats will be bursting with wine."

(1) Tithes & Pledges (2) World Communion Offering (separate envelope) Sa inyong pagkakaloob ay nangangahulugan na kasama namin kayo sa pagsamba ngayong araw na ito, at kasama namin kayo sa pagtataguyod ng misyon ng Panginoon.


# DEDICATION:     Pagtatalaga ng mga handog

Almighty God, deserving of all honor and praise: we bring our gifts this morning, remembering that the offering you truly seek is the offering of our whole lives. Help us, we pray, to live a life that is worthy in your sight. When we struggle and stumble, help us up and put us on the path. On the advice of the apostle Paul, may our lives be focused on “whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is pleasing, whatever is commendable”, so that our offering may be pleasing in your eyes. In Christ, we pray. Amen

NOTE: Ilagay po sa isang sobre ang inyong mga kaloob, at dalhin sa treasurer o sa church. Para sa gustong magpadala via GCASH (Sergio Arevalo-09338103223 or to Sheila Guillermo- 09321157614). For those who want to use credit/debit cards or Paypal, you may use the Paypal Button above, don't worry it is safe and secure, and powered by Paypal. Salamat po.



CLOSING HYMN:  "IT PAYS TO SERVE JESUS"


(1) Maglingkod kay Jesus ay kaaliwan. `

pagka’t sa Kan’ya’y may kagalakan;

Ito’y isang ganap na katungkulan,

nang tao sa bawa’t araw.

Koro:

Maglingkod kay Jesus, tayo’y maglingkod,

Bawa’t araw ay maglingkod;

Tayo’y maglingkod, kay Jesus ay maglingkod

Na masaya at walang pagod. AMEN.

(2) Tayo’y maglingkod anomang sapitin,

at magtapat kahi’t anong gawin;

`Pagka’t Siya’y mayama’t mahabagin,

bawa’t aral ating sundin.

# (3) Bagama’t mahirap ang daraanang

patungo doon sa kalangitan;

Si Jesus ang sa ati’y papatnubay,

kung maglingkod bawa’t araw.

# PASTORAL PRAYER: Pastor Sergz Arevalo  



# DOXOLOGY:

Praise God, from whom all blessings flow; Praise Him, all creatures here below; Praise Him above, ye heavenly host: Praise Father, Son, and Holy Ghost. (2x) AMEN. # BENEDICTION:  Pastor Sergz Arevalo

# Three-fold Amen.


MGA PAHAYAG, PAGBATI AT MALASAKIT: CLICK HERE!



20 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page