top of page
Search
Writer's pictureSergz Arevalo

15th SUNDAY AFTER PENTECOST, 13 September 2020

Updated: Sep 13, 2020


THE ORDER OF WORSHIP (#Pls stand up if you’re able)

GUMAWA PO KAYO NG SARILING ALTAR na may krus, Biblia, bulaklak, at kandila. Igayak din po ang Communion elements kung darating po ang pastor sa inyo o kaya naman ay mag gayak para sa Love Feast na ang tagpanguna ay ang leader ng pamilya, may ritual para rito. Color of the Day- GREEN



PRELUDE:              PAGSINDI NG MGA KANDILA at PAGBUKAS NG BIBLIA


# GREETING:    Exodo 14: 21-22 LEADER:  Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa at ang tubig ay nahawi. 

At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa. 




HYMN: "HOLY, HOLY, HOLY" (UMH #64)


(1) Santo, Santo, Santo, Dios na maalam

Ikaw ngayo’y aming pinapupurihan

Kabanal-banalan makapangyarihan

Diyos na tatlong Personang marangal.

(2) Santo, Santo, Santo, sa ‘Yo nag-aalay

At nananambahan ang lahat ng banal

Kerubin at serapin ay nagluluhuran

Sa pagsamba sa ‘Yo walang hanggan

(3) Santo, Santo, Santo, kahit di mamasdan

Ng makasalanang taong nadirimlan

Ang kaluwalhatian Mo at kabanalan

Puspos pag-ibig at kalinisan.

# (4) Santo, Santo, Santo, Dios dinadakila

Ng tanang likha Mo sa langit at lupa

Kabanal-banalan mahabaging lubha

Dios na Tatlong Personang Dakila. AMEN.

# RESPONSIVE READING: "Do Not Pass Judgment on One Another" Roma 14: 1-12 T: Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan. 


L: May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay: nguni't ang mahina'y kumakain ng mga gulay. 


T: Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios. 


L: Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo. 


T: May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip. 


L: Ang nagmamahal sa araw, ay minamahal ito sa Panginoon; at ang kumakain, ay kumakain sa Panginoon, sapagka't siya'y nagpapasalamat sa Dios; at ang hindi kumakain, ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Dios. 


T: Sapagka't ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili. 


L: Sapagka't kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nangabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo'y nangamamatay: kaya't sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo'y sa Panginoon. 


T: Sapagka't dahil dito ay namatay si Cristo at nabuhay na maguli, upang siya'y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay. 


L: Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios. 


T:   Sapagka't nasusulat, Buhay ako, sabi ng Panginoon, sa akin ang bawa't tuhod ay luluhod, At ang bawa't dila ay magpapahayag sa Dios. 


L:   Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili. 


INVOCATION:                             LEADER

# TUGON: Ang Ama’y papurihan at ang Anak at ang Diwang Banal.

Paghahari’y walang hanggan. nang una at ngayon man.

Walang hanggan. Amen Amen.

# GOSPEL LESSON              Matthew 18: 21-35   # TUGON: Dios sa ‘mi’y hatiin ang salita. Gaya ng hatiin sa pampangin.

Salita Mo’y aming minamahal. Nais ngang tamuhin yaring buhay. Amen CHILDREN’S MOMENT: "Si Daniel sa Kulungan ng mga Leon"-- Teacher Vanessa Cabanales



MESSAGE THRU SONG: "STILL" by Ashley Pumaras




MESSAGE THRU SONG:   "KALAKIP NG AWITIN" by Pastor Rebekah Jinhee Yeo



MESSAGE:     3 KAKAIBANG TURO TUNGKOL SA KAPATAWARAN -- Rev. Sergio E. Arevalo, Jr., PhD



OFFERING:   2 Corinthians 9:6-7

(1) Tithes & Pledges (2) TRUST FUND (separate envelope) Sa inyong pagkakaloob ay nangangahulugan na kasama namin kayo sa pagsamba ngayong araw na ito, at kasama namin kayo sa pagtataguyod ng misyon ng Panginoon.


# DEDICATION:     Pagtatalaga ng mga handog NOTE: Ilagay po sa isang sobre ang inyong mga kaloob, at dalhin sa treasurer o sa church. Para sa gustong magpadala via GCASH (Sergio Arevalo-09338103223 or to Sheila Guillermo- 09321157614). For those who want to use credit/debit cards or Paypal, you may use the Paypal Button above, don't worry it is safe and secure, and powered by Paypal. Salamat po.


"This is my Body broken for you"

COMMUNION SERVICE (if the pastor is present or use Love Feast ritual if he isn't.)


CLOSING HYMN:  "I SURRENDER ALL" (UMH# 354)

(1) Kay Jesus iniaalay ko, sa Kaniya ang lahat:

Akin Siyang iibigin, magpahanggang sa wakas.

Koro:

Iniaalay ko, Iniaalay ko,

Sa ‘yo ang lahat Oh, Cristo iniaalay ko. AMEN.

(2) Kay Jesus iniaalay ko, paluhod sa paanan:

Kamunduha’y tatalikdan, kupkupin mo ngang tunay.

(3) Kay Jesus iniaalay ko, gawin akong ‘yong Iyo;

Banal na diwa’y puspusin, ikaw ay suma akin.

(4) Kay Jesus iniaalay ko, Ama buhay sa Iyo:

Pag-ibig mo ay ilapit, sa aki’y ipakamit.

# (5) Kay Jesus iniaalay ko, ang boong pagkatao;

Aleluya! Layang lubos, Gloria sa Manunubos!

# PASTORAL PRAYER: Pastor Sergz Arevalo  



# DOXOLOGY:

Praise God, from whom all blessings flow; Praise Him, all creatures here below; Praise Him above, ye heavenly host: Praise Father, Son, and Holy Ghost. (2x) AMEN. # BENEDICTION:  Pastor Sergz Arevalo

Three-fold Amen.


MGA PAHAYAG, PAGBATI AT MALASAKIT: CLICK HERE!


75 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Post: Blog2_Post
bottom of page