top of page
Search
Writer's pictureSergz Arevalo

19th SUNDAY AFTER PENTECOST, 11 October 2020

WORLD COMMUNION SUNDAY ( 04 & 11 October 2020)


THE ORDER OF WORSHIP (#Pls stand up if you’re able)

GUMAWA PO KAYO NG SARILING ALTAR na may krus, Biblia, bulaklak, at kandila. Igayak din po ang Communion elements kung darating po ang pastor sa inyo o kaya naman ay mag gayak para sa Love Feast na ang tagpanguna ay ang leader ng pamilya, may ritual para rito. Color of the Day- GREEN



PRELUDE:              PAGSINDI NG MGA KANDILA at PAGBUKAS NG BIBLIA


# GREETING:    Awit 106: 1 LEADER:  Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangag-pasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. Amen.


RESPONSIVE READING: The Golden Calf Exodo 32: 1-14


LEADER: At nang makita ng bayan na nagluluwat si Moises ng pagpanaog sa bundok, ay nagpipisan ang bayan kay Aaron, at nagsabi sa kaniya, Tumindig ka at igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin; sapagka't tungkol sa Moises na ito, na lalaking nagsampa sa amin mula sa lupain ng Egipto, ay hindi namin maalaman kung anong nangyari sa kaniya. 


PEOPLE: At sinabi ni Aaron sa kanila, Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto, na nasa tainga ng inyo-inyong asawa, ng inyong mga anak na lalake, at babae, at dalhin ninyo sa akin. 


L:  At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga, at dinala kay Aaron. 


P: At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang isang guyang binubo, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto. 


L:   At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon. 


P: At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa. 


L: At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, bumaba ka, sapagka't ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay nangagsisama: 


P: Sila'y humiwalay na madali sa daan na aking iniutos sa kanila: sila'y gumawa ng isang guyang binubo, at kanilang sinamba, at kanilang hinainan, at kanilang sinabi, Ang mga ito'y iyong maging mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto. 


L:   At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo; 


P:   Ngayo'y bayaan mo nga ako upang ang aking pag-iinit ay mag-alab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa. 


# INVOCATION:                             LEADER



HYMN: "O WORSHIP THE KING"


(1) Hari’y sambahin sa kataasan awitin ang Kanyang pagmamahal;

Siya’y tanggulan sa lahat ng araw, at sa kaluluwa’y kapahingahan.

(2) Itanyag ang biyaya Niya’t lakas, balabal Niya ay ang liwanag;

Sasakyan Niya ang kulog at kidlat; dilim ma’t bagyo’y Kanya ring landas.

(3) Tangkilik Niyang di maisiwalat, dala ng hangin at ng liwanag;

Umaagos na mula sa itaas, taglay ng hamog at ulang banayad.

# (4) Kaming alabok na Iyong likha, sa Iyo lamang nagtitiwala;

Gaano ngang tibay ng Iyong awa, aming Manunubos at Manglilikha. AMEN.

.

# RESPONSIVE READING:  Filipos 4: 1-9

L:   Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking katuwaan at putong, magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko. 


P:   Ipinamamanhik ko kay Euodias, at ipina-mamanhik ko kay Sintique, na mangagkaisa ng pag-iisip sa Panginoon. 


L:   Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay. 


P: Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo. 


L:   Makilala nawa ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. Ang Panginoon ay malapit na. 


P: Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. 


L:   At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pag-iisip, ay mag-iingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pag-iisip kay Cristo Jesus. 


P:   Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibig-ibig,


# TUGON: Ang Ama’y papurihan at ang Anak at ang Diwang Banal.

Paghahari’y walang hanggan. nang una at ngayon man.

Walang hanggan. Amen Amen.

# GOSPEL LESSON      Matthew 22: 1-14   # TUGON: Dios sa ‘mi’y hatiin ang salita. Gaya ng hatiin sa pampangin.

Salita Mo’y aming minamahal. Nais ngang tamuhin yaring buhay. Amen CHILDREN’S MOMENT: "The Golden Calf" by Teacher Vanessa Cabanela



MESSAGE THRU SONG:   "LUMAPIT SA KANYA" Cover by Raquel Mariano



MESSAGE:  "HINDI DUMALO SA KASALAN, PINATAY!" -- Rev. Sergio E. Arevalo, Jr., PhD



OFFERING:   THE PRINCIPLES OF PLENTY (PROV. 3:9–10)

"Honor the Lord with your wealth and with the firstfruits of all your produce; then your barns will be filled with plenty, and your vats will be bursting with wine."

(1) Tithes & Pledges (2) World Communion Offering (separate envelope) Sa inyong pagkakaloob ay nangangahulugan na kasama namin kayo sa pagsamba ngayong araw na ito, at kasama namin kayo sa pagtataguyod ng misyon ng Panginoon.


# DEDICATION:     Pagtatalaga ng mga handog

Almighty God, deserving of all honor and praise: we bring our gifts this morning, remembering that the offering you truly seek is the offering of our whole lives. Help us, we pray, to live a life that is worthy in your sight. When we struggle and stumble, help us up and put us on the path. On the advice of the apostle Paul, may our lives be focused on “whatever is true, whatever is honorable, whatever is just, whatever is pure, whatever is pleasing, whatever is commendable”, so that our offering may be pleasing in your eyes. In Christ, we pray. Amen

NOTE: Ilagay po sa isang sobre ang inyong mga kaloob, at dalhin sa treasurer o sa church. Para sa gustong magpadala via GCASH (Sergio Arevalo-09338103223 or to Sheila Guillermo- 09321157614). For those who want to use credit/debit cards or Paypal, you may use the Paypal Button above, don't worry it is safe and secure, and powered by Paypal. Salamat po.


"This is my Body broken for you"

COMMUNION SERVICE (if the pastor is present or use Love Feast ritual if he isn't.)


CLOSING HYMN:  I HAVE DECIDED TO FOLLOW JESUS


(1) Pinasyahan ko sa aking buhay, na ang susundi’y si Kristo lamang;

Taos sa pusong S’ya ay susundan, ‘di aatras sa pagsunod.

(2) Hindi uurong kahit laitin, kahit tawanan susunod pa rin:

Si Kristo lamang ang kikilanlin, mananakop ng salarin!

(3) Makikibaka’t titiisin ko, ang pag-aglahi ng mga tao;

Lakas ko’t buhay, sampung talino, iya-alay ko kay Kristo.

(4) Buhat ngayon ay si Kristo lamang, ang susundin ko sa aking buhay

Dating ugali ko ay iiwan, at di na babalikan!

# (5) Panginoon ko, awa mo’t tulong, h’wag Mong iwalay samo ko’t lungoy,

Habang lakas Mo ang aking baon sa labana’y di uurong. AMEN


# PASTORAL PRAYER: Pastor Sergz Arevalo  



# DOXOLOGY:

Praise God, from whom all blessings flow; Praise Him, all creatures here below; Praise Him above, ye heavenly host: Praise Father, Son, and Holy Ghost. (2x) AMEN. # BENEDICTION:  Pastor Sergz Arevalo

# Three-fold Amen.


MGA PAHAYAG, PAGBATI AT MALASAKIT: CLICK HERE!



58 views0 comments

Recent Posts

See All

Yorumlar


Post: Blog2_Post
bottom of page